MALAKING ISDA SA LIKOD NG ILIGAL NA POGO, IBUBUNYAG NA
Photo credit: https://news.outsourceaccelerator.com/pogo-masquerading-as-bpo/ Noong mga nagdaang araw, nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Risa Hontiveros sa isang ulat na ang ilang POGO ay nagtatago o “nagmamaskara” upang makaiwas sa parusa o pagkahuli. Ito ay nag-ugat sa unang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ilang POGO na nakakalusot sa POGO ban sa pagkukunwari bilang isang establisyemento tulad ng isang BPO, restaurant o resort. https://newsinfo.inquirer.net/2007639/hontiveros-local-govts-liable-if-they-fail-to-detect-pogo-ops Ayon pa kay Sen Hontiveros, ang mga LGUs ay may pananagutan at inaasahang maging ang DILG at ibang mga departamento ay mabigyan ng lakas sa gagawing amyenda sa local government code upang mabigyang-lakas at matukoy, maimbestigahan, at madisiplina ang mga opisyal ng pamahalaan na nagkak...