ANG BLACK MARKET BANKING AT ANG POGO

 


Karaniwang smuggled goods na ibinebenta sa black market
Image credit: https://www.freepik.com/

Ang black market ay tumutukoy sa mga transaksiyon na ginagawa na labas sa normal na daluyan ng negosyo sa ilalim ng batas at pamahalaan. (What Is the Black Market? Examples of Products and Services) Ito ay ang mga iligal na transaksiyon na karaniwang nagyayari tulad ng “under the table” na ginagawa upang makaiwas sa price control ng pamahalaan at sa pagbabayad ng tamang buwis.

Kamakailan lang, nilusob ng mga ahente ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang POGO hub sa Bagac, Bataan na hinihinalang sangkot sa black market banking at iba pang illegal na gawain.


Photo credit: ‘Bataan POGO hub into black market banking’© Michael Varcas/The Philippine STAR

Ayon sa balita  ‘Bataan POGO hub into black market banking’, ang Central One Project ay naka-rehistro bilang isang BPO o call center ngunit may indikasyon na ito ay gumagawa ng mga iligal na aktibidad tulad ng black market banking, sabi ni PAOCC spokesman Winston John Casio.

Ani Casio, ang black market banking ay isa umanong underground economic activity kung saan may iligal na palitan ng goods at services na ginagawa para umiwas sa saklaw ng batas.

Natuklasan din ng PAOCC na ang BPO ay gumagamit ng Winbox, isang gaming platform na ipinagbabawal na sa ibang bansa at ginagamit dito. Ito ay ginagamit sa cryptocurrency at investment scams.

Ang mga produkto at serbisyong iligal na karaniwang ibenibenta sa black market ay ang sumusunod:

  • Alcohol
  • Animals and animal products
  • Illegal drugs
  • Illegally logged timber
  • Personal information
  • Sexual exploitation and forced labor
  • Tobacco
  • Weapons

Ang Novaleños Against POGO Movement ay isang malayang samahan ng mga residente ng District 5, Quezon City na lumalaban at tumututol sa pagkakaroon ng POGO sa lugar. Kung may nalalaman kayo tungkol sa iligal na gawain na may kinalaman sa POGO dito, makipag-ugnayan at ipagbigay-alam lamang po sa aming Facebook page.


Comments

Popular posts from this blog

NAP TIME - Stories on Philippine Offshore Gaming