MALAKING ISDA SA LIKOD NG ILIGAL NA POGO, IBUBUNYAG NA

 
                                         Photo credit: https://news.outsourceaccelerator.com/pogo-masquerading-as-bpo/

Noong mga nagdaang araw, nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Risa Hontiveros sa isang ulat na ang ilang POGO ay nagtatago o “nagmamaskara” upang makaiwas sa parusa o pagkahuli. Ito ay nag-ugat sa unang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ilang POGO na nakakalusot sa POGO ban sa pagkukunwari bilang isang establisyemento tulad ng isang BPO, restaurant o resort. https://newsinfo.inquirer.net/2007639/hontiveros-local-govts-liable-if-they-fail-to-detect-pogo-ops

Ayon pa kay Sen Hontiveros, ang mga LGUs ay may pananagutan at inaasahang maging ang DILG at ibang mga departamento ay mabigyan ng lakas sa gagawing amyenda sa local government code upang mabigyang-lakas at matukoy, maimbestigahan, at madisiplina ang mga opisyal ng pamahalaan na nagkakanlong sa mga POGO.

                                    Sen. Risa Hontiveros      Photo credit: https://www.gmanetwork.com/news/

"Sa ngayon, definitely andyan pa rin [ang POGO]. At masyado silang malikhain, eh. Gumagawa ng paraan na mag-iba [sila] ng identity... nagkukunwaring simple at legal BPOs lamang sila. Ang sumbong pa sa amin ay mismong mga ospisyal [ng gobyerno] pa na nagpapayo sa kanila na ganu'n ang kanilang gawin," ani Sen. Hontiveros sa Kapihan sa Senado. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/927768/risa-gov-t-execs-coaching-pogos-to-evade-ban-by-registering-as-bpos/story/ 

Bago ito sabihin ng senadora, una na itong nagpahayag ng nakakaalarmang kalakaran na istilong gerilya ang ginagawang operasyon ng POGO.

Sa darating na linggo, tatapusin na ng Senado ang pagdinig tungkol sa mga illegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs) at ibubunyag na rin ang mga gawain umanong pag-eespiya ng Tsina at ang papel ni Bamban mayor Alic Guo tungkol dito.

Sa nasabing pagdinig, ibubunyag na rin ang malaking isda sa likod ng operasyon ng mga illegal na POGO sa bansa, anang senadora.

Comments

Popular posts from this blog

ANG BLACK MARKET BANKING AT ANG POGO

NAP TIME - Stories on Philippine Offshore Gaming