NAP TIME - Stories on Philippine Offshore Gaming

 

Ang "NAP TIME - Stories on Philippine Offshore Gaming" ang opisyal na blogspot site ng Novaleños Against POGO Movement (NAPM) - isang samahang kusang-loob na binuo ng mga mamamayan ng Distrito Singko, Lungsod Quezon, upang ipakita ang matatag at makabayang paninindigan ng mga Novaleños laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang blogspot na ito ay maglalaman ng mga artikulo, sanaysay at kuwento na may kaugnayan sa industriya ng offshore gaming sa bansa, lalong-lalo na sa Distrito 5 ng Quezon City. Ang mga nilalamang ito ay tugon o komento tungkol sa mga balita at halaw mula sa mga totoong pangyayari at mga taong nakasaksi ayon sa mga ulat sa balita. Ang blogspot na ito ang magiging hantungan o repository ng mga nilalaman na nais ipamahagi at ipahayag ng NAPM.

Sa patuloy na lihim na operasyon ng mga ilegal na POGO sa ating bansa, lumalabas ang mga masamang epekto nito sa lipunan—hindi lamang sa seguridad ng bawat pamilyang Pilipino kundi bilang banta sa ating pambansang kapayapaan at pag-unlad. Malinaw na hindi solusyon ang POGO sa pag-usbong ng ekonomiya ng Pilipinas; bagkus, nagdadala ito ng panganib at mga suliraning lalong nagpapabigat sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng blogspot na ito, maipapaalam at mahihikayat ng NAPM ang bawat mamamayan na tumindig, makiisa, at makibaka upang mapigilan ang pagtatayo ng POGO sa ating bayan! ###

Comments

Popular posts from this blog

ANG BLACK MARKET BANKING AT ANG POGO