BAWAL PA RIN KAHIT NAGPALIT NG KATAWAGAN - MULA POGO NAGING IGL
Photo credit: Jessica Fenol, ABS-CBN News
Dahil sa lumalaking bilang at lumalakas na tinig ng
mamamayan na tumututol sa POGO, napilitan
ang pagpapalit ng bagong katawagan dito.
Noong Oktubre 2023, ipinagbigay-alam ng Philippine
Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), sa pahayag ni PAGCOR chairman
and CEO Alejandro Tengco, ang pagpapalit sa katawagan sa mga Philippine Offshore
Gaming Operators (POGO) at pinalitan
ito ng bagong katawagan – ang IGL (Internet Gaming Licensees) Pagcor
issues 40 licenses to rebranded POGOs | Philstar.com. Bago ito, binago rin ang
mga regulasyon nito at tinawag itong “Internet Gaming Licensing Regulations” na
nagkabisa noong Hulyo 12, 2023.
Ayon din sa balitang ulat na ito, nagbigay lamang ang PAGCOR
noong Mayo 2024 ng lisensiya sa 40 regular na operators at 9 na provisional
licenses sa mga operator sa probinsya.
Nang ipinahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa kanyang SONA
ang pagbabawal at pagsasara ng POGO ngayon taon, sinabi rin ng PAGCOR na ang POGO at IGL ay
magkapareho at ito rin ay parehong ipagbabawal . POGOs
and IGLs are the same, both banned: PAGCOR | ABS-CBN News
Image credit: https://www.ggrasia.com/
“IGL is the name that replaced POGO. Both cater to offshore
markets, in the case of those operating in the Philippines, they serve markets
in Mainland China, parts of the US and Europe,” ito ang pahayag ni PAGCOR
Assistant Vice President Catalino Alano Jr. sa ABS-CBN News.
Ayon pa sa balitang ulat na ito, kakaiba ang IGL dahil ito
ay E-Games or Electronic Gaming na sumasaklaw sa E-Bingo, Sports
Betting, Specialty Games, online casinos, at ang Philippine Inland Gaming
Operators (PIGO), na lahat ay para lamang dito o sa domestic market. Sa kabilang
banda, ang POGO daw ay para sa international market. Ngunit pareho lamang ito ayon sa PAGCOR.
Gayunpaman, ayon sa PAGCOR sakop ng POGO ban ng pamahalaan
ang IGL. PAGCOR
confirms IGLs included in POGO ban, promises to follow Presidential order — CDC
Gaming Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Tengco na ang lisensya
ng natitirang 43 IGL ay ikakansela sa pagtatapos ng taon.
Ayon sa iba, ang POGO ay ni-rebrand lang at tinawag na IGL, upang
masabing wala ng POGO sa bansa. Same dog, different collar. EDITORIAL
- Finally, a POGO ban | Philstar.com Kung gayon, ang POGO o IGL man ay
parehong lugar kung saan nangyayari ang mga illegal na transaksyon at negosyo,
hindi lang sa online gaming o pagsusugal kundi ito rin ay hub o sentro ng internet
hacking, online scam, black market banking, investment scam, online sexual abuse
and prostitution, atbp.
Kung may nalalaman kayo tungkol sa iligal na gawain na may
kinalaman sa POGO, makipag-ugnayan at ipagbigay-alam lamang po sa aming
Facebook page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61567020316113

.jpeg)
Comments
Post a Comment