Posts

MALAKING ISDA SA LIKOD NG ILIGAL NA POGO, IBUBUNYAG NA

Image
                                           Photo credit:  https://news.outsourceaccelerator.com/pogo-masquerading-as-bpo/ Noong mga nagdaang araw, nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Risa Hontiveros sa isang ulat na ang ilang POGO ay nagtatago o “nagmamaskara” upang makaiwas sa parusa o pagkahuli. Ito ay nag-ugat sa unang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ilang POGO na nakakalusot sa POGO ban sa pagkukunwari bilang isang establisyemento tulad ng isang BPO, restaurant o resort. https://newsinfo.inquirer.net/2007639/hontiveros-local-govts-liable-if-they-fail-to-detect-pogo-ops Ayon pa kay Sen Hontiveros, ang mga LGUs ay may pananagutan at inaasahang maging ang DILG at ibang mga departamento ay mabigyan ng lakas sa gagawing amyenda sa local government code upang mabigyang-lakas at matukoy, maimbestigahan, at madisiplina ang mga opisyal ng pamahalaan na nagkak...

BAWAL PA RIN KAHIT NAGPALIT NG KATAWAGAN - MULA POGO NAGING IGL

Image
  Photo credit:  Jessica Fenol, ABS-CBN News   Dahil sa lumalaking bilang at lumalakas na tinig ng mamamayan   na tumututol sa POGO, napilitan ang pagpapalit ng bagong katawagan dito. Noong Oktubre 2023, ipinagbigay-alam ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) , sa pahayag ni  PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco, ang pagpapalit sa katawagan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at   pinalitan ito ng bagong katawagan – ang IGL (Internet Gaming Licensees) Pagcor issues 40 licenses to rebranded POGOs | Philstar.com . Bago ito, binago rin ang mga regulasyon nito at tinawag itong “Internet Gaming Licensing Regulations” na nagkabisa noong Hulyo 12, 2023. Ayon din sa balitang ulat na ito, nagbigay lamang ang PAGCOR noong Mayo 2024 ng lisensiya sa 40 regular na operators at 9 na provisional licenses sa mga operator sa probinsya. Nang ipinahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa kanyang SONA ang pagbabawal at pagsasara ng POGO ngayon...

ANG BLACK MARKET BANKING AT ANG POGO

Image
  Karaniwang smuggled goods na ibinebenta sa black market Image credit: https://www.freepik.com/ Ang black market ay tumutukoy sa mga transaksiyon na ginagawa na labas sa normal na daluyan ng negosyo sa ilalim ng batas at pamahalaan. ( What Is the Black Market? Examples of Products and Services ) Ito ay ang mga iligal na transaksiyon na karaniwang nagyayari tulad ng “under the table” na ginagawa upang makaiwas sa price control ng pamahalaan at sa pagbabayad ng tamang buwis. Kamakailan lang, nilusob ng mga ahente ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang POGO hub sa Bagac, Bataan na hinihinalang sangkot sa black market banking at iba pang illegal na gawain. Photo credit:  ‘Bataan POGO hub into black market banking’ © Michael Varcas/The Philippine STAR Ayon sa balita   ‘Bataan POGO hub into black market banking’ , ang Central One Project ay naka-rehistro bilang isang BPO o call center ngunit may indikasyon na ito ay gumagawa ng mga ilig...

NAP TIME - Stories on Philippine Offshore Gaming

Image
  Ang " NAP TIME - Stories on Philippine Offshore Gaming " ang opisyal na blogspot site ng Novaleños Against POGO Movement (NAPM) - isang samahang kusang-loob na binuo ng mga mamamayan ng Distrito Singko, Lungsod Quezon , upang ipakita ang matatag at makabayang paninindigan ng mga Novaleños laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) . Ang blogspot na ito ay maglalaman ng mga artikulo, sanaysay at kuwento na may kaugnayan sa industriya ng offshore gaming sa bansa, lalong-lalo na sa Distrito 5 ng Quezon City . Ang mga nilalamang ito ay tugon o komento tungkol sa mga balita at halaw mula sa mga totoong pangyayari at mga taong nakasaksi ayon sa mga ulat sa balita. Ang blogspot na ito ang magiging hantungan o repository ng mga nilalaman na nais ipamahagi at ipahayag ng NAPM. Sa patuloy na lihim na operasyon ng mga ilegal na POGO sa ating bansa, lumalabas ang mga masamang epekto nito sa lipunan—hindi lamang sa seguridad ng bawat pamilyang Pilipino kundi bilang banta sa ...